Mga Kwentong Alinsunod sa Kakulangan sa Pagtulog

Gusto ko sanang kumain sa Jollibee. Alas-dos na ng umaga. Naalala kong 24 hours nga pala sila dito malapit sa bahay ko sa Laguna.

Kaarawan din nga pala ni Rizal noong isang araw at naisip kong ito’y magandang oportinidad na mabawi ang aking pagiging higit pa sa hayop o malansang isda. Dito sa bayan ng Laguna lumaki si Jose Rizal, sa may dulo lang ng SLEX, sa Calamba.

jose rizal

Ang Jollibee ay isang institusyon na sa Pilipinas. Basta pritong manok, makakaasa kang hindi magsasawa ang mga tao (lalo na ang kabataan) sa kanilang chicken joy na talaga namang huling-huli at swak na swak sa panlasang pinoy. Ika nga nila, “laman muna, balat later!” Talaga namang panalo at nakakatakam.

Natakot silang mapatumba ng inihaw na manok ng Bacolod kaya’t binili nila ang Mang Inasal na siya namang hinahamon ngayon ng Chic-Boy. Nakakamangha talaga ang mga benipisyo ng kompetisyon sa merkado (yan ang tunay na apelyido ni Pepe!).

Naging laganap at popular ang konsepto ng unlimted rice. Isang bagay na talaga namang nakakaakit at tinatangkilik ng mamamayang Pilipino. Ang ating bansa ay mayaman sa agrikultura at ang kanin ay talaga namang parte na ng ating araw-araw na buhay.

Konting ulam para sa maraming kanin—isang isyu ng kahirapan o kaya naman ng katakawan? Hindi ko alam. Pero may kilala ako na nakapag 9 na extra rice sa Tokyo Tokyo. Meron din namang may kaya ng apat na siomai ipapagkasya sa apat na kanin, idaan na lang sa toyo at chili oil. Bukod sa panlasa, para sa mga pinoy, mas importante na nakakabusog. Kanin all you can = kanin all the way.

Sa pagtuloy ng aking kwento, hindi na ako kumain sa Jollibee. May bayad pa kasi ang parking doon sa Paseo De Sta. Rosa (aba, extra rice na din ang sampung piso!). Bumili na lang ako ng siopao sa 711 (bumili din kasi ako ng prepaid load).

Kaninang hapon bumili nga din pala ako ng manggang sorbetes, mga instant noodles (si Jose Rizal ay mahilig sa pancit), liempo, at ang matagal ko ng pinagiisipan bilihin na salami milano (ang alam ko ay isa to sa mga naging paborito ni Rizal noong siya ay nasa Europa). Di ko alam kung ano talaga ang patutunguhan ng sinusulat kong ito. Basta tunkol sa pagkain ang blog na ito, diba? Maaga pa ang gising ko bukas at wala akong shower water heater kaya dapat ako’y matulog na (mahirap maligo ng malamig na tubig kapag puyat ngunit hindi pa ako inaantok).

May mga nagsasabi na muntik na daw mag retract si Jose Rizal dahil sa kanyang chicks na si Josephine. Sabi ko nga: kahit si Superman ay meron din namang kryptonite. Parang ikaw, ikaw ang aking kryptonite.

Bukod sa extra rice mahilig tayong mga Pilipino sa libreng sabaw. Beleyted na Happy Birthday, Dr. Jose Rizal.


Kung nagustuhan mo ang sulating ito baka magustahan mo din ang:
1. HarryLeaks - gusto mo bang umunlad ang ating bayan? halina't bisitahin ang blog na ito at alamin kung paano.
2. Ang Aking Twitter - maging una sa mga makakaalam ng mga bago kong blog post at iba pang nangyayari sa buhay ko.

No comments:

Post a Comment